Bilang ng bagong voter registrants, halos 3-M na

77

Umabot sa 2,937,807 ang kabuuang bilang ng mga botante na nagpa-rehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5, 2022.

Sa naturang bilang, 1,815,174 ang nagpa-rehistro na nasa edad 15 – 17.

963,756 naman ang nagpa-rehistro na nasa edad 18 – 30 habang 158,877 ang nagpa-rehistro na nasa edad 31 anyos pataas.


Ayon kay Commission on Elections acting spokesman Atty. John Rex Laudiangco, record breaker ang turnout sa katatapos lamang na voter registration.

Facebook Comments