CAAP, nakikipagtulungan na sa Hongkong Civil Aviation para maisakatuparan ang dagdag na flight kada oras sa NAIA

 

Nakikipagtulungan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Hong Kong Civil Aviation Department para maabot ang direktiba mula sa Department of Transportation (DOTr) na pataasin ang paggalaw ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama ni CAAP Director General Manuel Tamayo si Deputy Director General for Administration Atty. Danjun Lucas na nakipagpulong kay Hong Kong CAD Chief Air Traffic Control Officer Mr. Samuel upang talakayin ang mga pamamaraan para sa pagtaas ng bilang ng mga paggalaw ng eroplano kada oras.

Ayon sa CAAP, sa kasalukuyan nasa 40 hanggang 42 kada oras lamang ang paggalaw ng eroplano sa NAIA.


Gayunpaman, para ma-accommodate ang pagdoble ng kapasidad ng pasahero sa NAIA ay isasagawa ang concession agreement kasama ang pribadong sektor.

Kung maalala, isang grupo ng mga air traffic controller, kasama ang isang delegasyon mula sa DOTr ang bumisita sa mga pasilidad ng air traffic sa Hong Kong airport upang matutunan ang pamamaraan ng nasabing paliaparan.

Facebook Comments