CAAP, pinag-iingat ang mga bibiyahe malapit sa Mt. Kanlaon kasabay ng paglabas ng NOTAM ngayong araw

 

Naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang abisuhan na mag-ingat ang mga eroplanong bibiyahe malapit sa Mt. Kanlaon, epektibo simula June 6, 2024 ng 9:10 AM, hanggang June 7, 2024 ng 9:00 AM.

Nagtakda ang CAAP ng vertical limits mula surface hanggang 17,000 feet sa paligid ng Mt. Kanlaon, na kasalukuyang nasa Alert Level 2, at nagpapahiwatig ng pagtaas ng aktibidad nito.

Mahigpit ding pinapayuhan ang mga flight operator na iwasan ang summit ng bulkan dahil sa steam o phreatic eruptions mula rito na sadyang mapanganib para sa mga sasakyang panghimpapawid.


Inaasahan namang manatiling nakatutok ang mga piloto at airlines sa mga impormasyong patungkol sa aktibidad ng bulkan at maiging sumunod sa mga abiso upang maiwasan ang panganib.

Facebook Comments