CAAP, tiniyak na tatapusin sa lalong madaling panahon ang internal investigation sa technical glitch noong Bagong Taon

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maglalabas sila sa lalong madaling panahon ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa aberya noong Bagong Taon sa uninterruptible power supply (UPS) equipment ng CAAP.

Partikular na tinutumbok sa imbestigasyon ang main cause ng power supply problem.

Tiniyak din ng CAAP na handa na silang humarap sa external investigation hinggil sa technical glitch.


Nangunguna sa internal investigation ng CAAP ang Aerodrome and Air Navigation Safety Oversight Office (AANSOO).

Facebook Comments