PNP, tatalima sa panawagan ni Sec. Abalos na maghain ng courtesy resignation ang kanilang mga colonel at heneral

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng full pledge colonel at heneral sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan, tatalima ang PNP sa desisyong ito ng DILG.

Aniya, naniniwala kasi ang Pambansang Pulisya na ang nasabing desisyon ni Abalos ay para din sa ikabubuti ng kanilang organisasyon.


Samantala, sa ngayon ay inaalam pa ng PNP kung ilan ang kabuuang bilang ng mga full pledge colonel at heneral ang maapektuhan ng nasabing apela ng DILG.

Facebook Comments