Tumanggi muna ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magbigay ng official statement hinggil sa sinasabing sightings ng nawawalang piper plane sa Isabela.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, hihintayin muna nila ang official reports mula sa kanilang Aircraft Accident and Inquiry Board investigators na nasa crashed site ngayon.
Inihayag naman ni Atty. Constante Foronda, incident commander ng Isabela Incident Management Team, nasa gitna sila ngayon ng operasyon sa lugar.
Hindi naman tinukoy ni Foronda ang eksaktong development sa kanilang search and rescue operations.
Ang naturang piper plane ay sinasabing sakay ang pilotong si Capt. Levy Abull ll at isang pasahero na hindi pa pinapangalanan.
Facebook Comments