Manila, Philippines – Nilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na hindi sila ang namamahala sa koleksyion ng terminal fee at travel tax ng mga Overseas Filipino Workers na umaalis ng bansa.
Nilinaw ito ni CAAP spokesman Eric Apolonio kasunod sa pahayag ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na dapat i-remit ng CAAP sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang terminal fees at travel taxes na hindi nare-refund sa OFWs.
Ayon kay Apolonio, hindi ang CAAP ang may hawak sa naturang koleksyon kundi ang Philippine Tourism Administration.
Nilinaw pa ni Apolonio na karamihan sa mga palipaparan na hawak ng CAAP ay sa mga probinsya at mga domestic flights lamang na hindi kumokolekta ng terminal fee at travel tax.
Aniya, international flights lamang ang kumokolekta ng malaking terminal fee at travel tax.
Kabilang sa malalaking airport na hindi sakop ng CAAP ang NAIA, Clark International Airport, Mactan International Airport at ilang maliliit na paliparan.