Cabinet meeting, sumentro sa programa at isyu sa maritime at aviation sector

Tinalakay sa isinagawang cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga isyu patungkol sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay OIC Office of the Press Secretary Usec. Cheloy Garafil, nagpresenta ang Department of Transportation (DOTr) nang kanilang program sa maritime at aviation sector.

Ito aniya ay para isulong ang mga economic recovery at mabigyan ng hanapbuhay ang mga walang trabaho.


Inutusan rin ni Pangulong Marcos ang DOTr na bumuo ng isang Maritime Industry Development Plan para mapaunlad at mapalawig ang mga industriya ng maritime at aviation sector.

Kasama rin aniya sa utos ng pangulo na ayusin ang mga pantalan para mas marami pang cruise ships ang makadaong sa bansa na magpapayabong sa tourism industry.

Inutusan din ng pangulo ang Maritime Industry Authority o MARINA na tutukan ang problema sa mga eskwelahan na hindi nagko-comply sa educational quality standards batay sa international requirements at guidelines.

Kasama rin aniya dito ang pagtugon sa isyu ng ship boarding requirements sa mga maritime students.

Sinabi pa ni Garafil na pinapa-upgrade rin ng pangulo ang competencies ng mga eskwelahan at pinapaayos ang training programs para magbigay ng advantage sa mga estudyante na makasunod sa international standards upang maipagpatuloy ang estado ng bansa na number 1 supplier ng seafarers sa buong mundo.

Sa panig naman aniya ng aviation sector, inutusan ng pangulo ang DOTr na tutukan ang pag-upgrade ng Manila Airport para matugunan ang lumalaking demand, kasama din diyan ang pag-aaral sa mga existing unsolicited proposals para i-modernized ang mga existing airports at i-upgrade ito at magtayo ng mga bagong airports sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments