CACAO NG ISABELA, KINILALA SA INTERNATIONAL STAGE

CAUAYAN CITY – Nakakuha ng parangal sa international stage ang dalawang Isabelino cacao farmers sa 2024 International Chocolate Awards Americas.

Ang nasabing mga tsokolate ay gawa mula sa fermented cacao beans nina Mr. Edgar Nicolas mula sa Nicolas Integrated Farm at Mr. Earl Colegado mula sa SA cacao Food Products.

Katuwang ang Kasama Chocolate, isang grupo ng mga chocolate makers, at DTI Isabela ay nakakuha sila ng silver award.


Dahil dito, umaaasa ang DTI Isabela na mas lalakas pa ang industriya ng cacao sa buong lalawigan.

Facebook Comments