Cauayan City, Isabela- Pinagkalooban ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ng Cacao Processing Facility ang Isabela Cacao and Coffee Farmers Association (ICCFA) sa Barangay Panang, San Agustin, Isabela.
Ipinamahagi ng naturang ahensya sa ICCFA ang mga kagamitang tulad ng cacao sheller with winnower, chocolate melangers, heavy-duty bakery oven, grinder, multi-purpose roasting machine, upright chiller at solar dryer.
Ito ay sa ilalim ng Shared Service Facilities Program ng DTI na layong matulungan ang mga MSMEs tulad ng mga cacao and coffee farmers.
Kaugnay nito, itinuro rin sa mga miyembro ng ICCFA ang wastong paggamit sa mga ipinamahaging kagamitan bilang bahagi ng nasabing programa.
Sa pamamagitan ng mga ibinigay na tulong ng DTI Isabela, inaasahang mas mapapalago ang cacao at coffee industry sa bayan ng San Agustin.
Facebook Comments