Cadet Admission Test para sa BFP at BJMP, isinasagawa ngayong araw sa buong bansa

Ginaganap ngayong araw sa buong bansa ang Cadet Admission Test ng bagong tatag na Philippine Public Safety College (PPSC) para sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa PPSA, kabuuang 1,065 ang mga applicants mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ang kumuha ng pagsusulit.

Sa kabuuang bilang, 446 ay para sa BFP at 619 naman ay para sa BJMP.


Walong testing centers ang binuksan ngayong araw, kasama ang Quezon City para sa National Headquarters at National Capital Region (NCR).

Baguio City para sa CAR at Regions 1, 2 at 3.

Kasama din ang Calamba City para sa Regions 4A, 4B at 5, Iloilo City para sa Region 6, Cebu City para sa Region 7 at 8, Zamboanga City para sa Region 9, Cagayan de Oro City para sa Region 10 at CARAGA, Davao City para sa Regions 11 at 12.

Facebook Comments