Google trends, tumama na naman sa prediksiyon sa resulta ng halalan sa France; VP Leni, lamang din sa eleksyon ayon sa Google Trends

708

Muli na namang pinatunayan ng Google Trends na mas akma itong sukatan kumpara sa ground surveys.

Ito ay nang mahulaan ang lamang ni Emmanuel Macron kay Marine Le Pen sa halalan sa pagkapangulo sa France.

Nakita ng mga survey na malaki ang agwat ni Macron kay Le Pen ngunit sa pag-aaral ng data scientist na si Wilson Chua gamit ang Google Trends, lumabas na mahigpit ang naging labanan sa pagitan ng dalawa.


Ayon kay Chua, nakakuha si Macron ng sampu habang may siyam naman si Le Pen pagdating sa interest over time ng Google Trends noong Abril 21.

Gaya ng nakita ng Google Trends, nakakuha si Macron ng 58.6 porsiyento para sa panibagong limang taong termino habang may 41.5 porsiyento si Le Pen.

Ito’y isa lang sa maraming tamang prediksiyon ng Google Trends sa resulta ng halalan sa iba’t ibang bansa.



Sa Pilipinas, malaki ang lamang ni Vice President Leni Robredo sa nangunguna sa survey na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pagdating sa Google Trends.

Si Robredo ay may bitbit na 66 porsiyento kontra sa 30 porsiyento lang ng kaniyang katunggali.


Facebook Comments