Sa harap ng nararanasang health crisis ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic ay tuloy ang pagre-recruit ng Philippine Military Academy (PMA) para sa mga magiging bagong kadete ng akademya.
Ayon kay PMA Spokesperson Captain Cherryl Tindog, simula ngayong araw, Labor Day. ay maa-access na ang Cadet Online Application System sa official website ng PMA para sa makapag-apply ang mga aspiring applicants sa PMA Entrance Examination 2020.
Sinabi ni Tindog, para maging kwalipikado sa Cadetship Class 2025, ang aplikante ay dapat natural born Filipino citizen; physically fit, may good moral character; single, at least high school graduate (Grade 12) na may general average na 85% o mas mataas pa.
Dapat may taas na at least 5 feet, walang administrative o criminal case; edad ay at least 17 years old hanggang 22 years old at higit sa lahat dapat maipasa ang PMA Entrance Examination.
Para sa iba pang requirements makikita ito sa official website ng PMA.
Dagdag pa ni Tindog na ang makakapasok sa PMA ay isang prebelihiyo para magsilbi sa bansa, libreng college education na may kalidad na curriculum, may buwanang sweldo at allowances, may siguradong trabaho pagka-graduate dahil mapapabilang bilang officer ng Philippine Army, Navy at Air Force.
Ngayong taon, ang PMA Entrance Examination ay nakatakda sa August 30, 2020 sa 44 testing centers nationwide.