INILAHAD sa 2017 International Coastal Cleanup report na isa sa pangunahing basura na nakukuha sa dagat ay iba’t-ibang uri ng plastic materials kagaya ng straw, bag, bottle, at cups. Ito rin ang tinutukoy na pangunahing suspek ng pagkamatay ng mga pawikan, sea mammals, at isda.
Dagdag pa sa ulat, kasama ang Pilipinas sa top 5 contributors ng plastic waste sa karagatan. Kaya naman, samu’t-saring kampanya ang isinusulong ngayon sa bansa upang tuluyan mabawasan ang paggamit ng mga plastic straw. Ilan dito ay pagbibigay ng mga stainless straws sa mga piling establisyemento at pagsusulong ng ‘no plastic straw and stirrer policy.’
Katulad nalang ng isang cafe sa Dapa, Surigao del Norte na may nakatutuwang gimik. Ang kanilang gamit na straws gawa sa lukay at itinuturing din na eco-friendly. Ibinihagi ito ng may-ari ng Cafe Editha sa kanilang Facebook page na may caption na:
“I got this idea when we visited Correigidor and I’m very impressed. 👏👏👏🌴🌴😘 LUKAY straw is easy to make and decomposable. I hope other restaurants will also be inspired to use this brilliant idea. 😊😘 #ProtectSiargao 🌴🌴🌴❤️SIARGAO”
Sang-ayon at patok ang lukay straws sa kanilang mga customers pati na din sa mga netizens. Mayroon 16,000 likes and 27,000 shares ang nasabing post.