Fashion Runway Modeling ng PMI, Inaabangan na!

29

Cauayan City, Isabela – Inaabangan na ang nalalapit na pagrampa ng mga modelo ng Potential Models Isabela (PMI) sa darating na Mayo 19, 2019 ganap ala una ng hapon sa SM City Cauayan, Cauayan City, Isabela.

Ito ang eksklusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan kina Mr. Nemz Dulay, Mr. Francis Dela Cruz at Mr. Val Narag mga founder ng PMI- Cauayan City, Isabela.


Ang nasabing Fashion Runway Modeling ay dadaluhan ng mga modelo ng Isabela at mga karatig na lugar.

Layon ng nasabing aktibidad na matulungan ang mga kabataan upang mailayo sa mga masamang gawain.

Marami rin anyang matututunan ang mga kabataan hindi lang sa pagmomodelo kundi kasama na rin ang paghubog sa kanilang mga talento.

Ang tatanghalin anya na Face of PMI ay siyang magrepresent ng Isabela sa gaganaping Runway Models Universe sa Hunyo taong kasalukuyan.

Marami na rin anyang mga miyembro ng PMI at marami na rin itong branches.

Samantala, inaanyayahan naman ni Mr. Dela Cruz ang mga interesadong kabataan na gustong sumali sa kanilang grupo na magpunta lamang sa kanilang opisina sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Facebook Comments

From Advertisers