CAFGU Member, Arestado Dahil sa Kasong Rape

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang isang kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na wanted sa Kasong panggagahasa matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa brgy Zone 1, San Mariano, Isabela partikular sa kampo ng 95th Infantry Battalion.

Isinilbi dakong alas 5:00 ng hapon, Enero 06, 2020 ang mandamiento de aresto na inisyu ni hukom Raul V Babaran ng RTC branch 19, Cauayan City, Isabela kay Angelito Amistoso, 18 anyos, binata, CAFGU member at residente ng Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong rape ng naturang CAFGU Member.


Dinala sa Alicia Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments