Higit ₱244-M halaga ng shabu, nasabat sa Parañaque; 2 suspek, patay sa operasyon

Dalawang lalaki ang napatay matapos manlaban sa ikinasang drug buy-bust operation sa may bahagi ng Uniwide Coastal Mall, Diosdado Macapagal Blvd. Parañaque City.

Nakilala ang mga drug personalities na nasawi na sina Danny Apiga at Jin Long Cai.

Ang naturang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at PDEA kung saan nakuha sa mga nasawing suspek ang nasa 36 malalaking pakete ng shabu na nakabalot sa papel na may mga chinese characters.


Tinatayang aabot sa 36 na kilo ang bigat ng iligal na droga na may estimated value na ₱244,800,000.00.

Nakuha rin ng mga otoridad ang isang milyong pisong boodle money, kotse na ginamit sa transaksyon at dalawang kalibre-45 na baril na pag-aari ng mga suspek.

Facebook Comments