Cafgu member, ginang patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pikit

Patay ang isang cafgu member sa bayan ng Pikit matapos paulanan ng bala ng mga di nakilalang armadong grupo alas 9 kaninang umaga.
Sa report na ipinarating sa DXMY , kinilala ang nasawing cafgu na si Rodel Abellanida, 33 yr old, na nakadestino 31st NC CAA Coy, BCoy, 38IB.
Naitala ang insidente sa Sitio New Valencia, Brgy Bualan, habang nagpapastol lamang ng kanyang alagang baka ang biktima.
Multiple gunshot wounds sa ibat ibang parte ng kanyang katawan ang natamo ni Abellanida. Agad namang tumakas ang mga namaril matapos maisigurong patay ang biktima. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pnp.
Noong nakaraang araw patay din ang isang negosyanteng ginang matapos pagbabarilin din sa Pikit. Kinilala ang biktima na Hazminda Kasid Plang, 45 anyos, may asawa, residente ng barangay Takepan, Tama sa ulo mula sa bala ng kalibre 45 ang natamo ng biktima matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa National Highway.( Jessie Ali)

Facebook Comments