Cafgu patay sa pamamaril sa bayan ng Pikit

Patay ang isang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical unit o CAFGU, Makaraang pagbabarilin kahapon sa new valencia, barangay Bualan, Pikit, Cotabato. Alas 9:00 ng umaga kanina.
Kinilala ni PCI Romy Du-ot Castanares, hepe ng Pikit Mps ang biktima na si RODEL SAPANTA ABELLANEDA, 33 anyos may asawa, CAFGU member na residente ng barangay Bualan, Pikit, Cotabato <www.facebook.com/rmn.cotabato.1?fref=mentions> , ayon sa hepe ng Pikit Pnp, siya mismo ang nagpunta sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril at kanyang napag alaman na sa sakahan mismo ng biktima siya pinagbabaril ng kanyang kaaway
nagtamo ng maraming tama sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan
narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basio ng M14 riffle at isang basio ng Carbine riffle na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa naturang krimen. tumakas ang mga suspek sa hindi napag alaman direksyon habang patuloy ito pinaghahanap ng mga otoridad
dinala naman ang bangkay ng biktima sa Villa Jusa Funeral Home sa Kabacan north cotabato
malaki ang paniniwala ng mga otoridad na personal grudge ang motibo sa nasabing pagbaril patay sa biktima. (Report from Jessie Ali)

Facebook Comments