Kampanya kontra sugal pinalakas ng City PNP

Pinapalakas parin ng City PNP ang kanilang kampanya kontra sa illegal na sugal tulad ng pagpapataya ng last2 o last3, paglalaro ng baraha at iba pa, kung saan kahapon isang usher ng last two ang nahuli sa aktong nagpapataya ng mga elemento ng PP2 sa pamumuno ni PCI Efren Salazar. Kinilala ang naaresto Nasi Gerald Austria 54 anyos na residente ng Pansacala street barangay RH Mother, bandang alas 9:30 ng umaga kahapon ng mahuli siyang nagpapataya sa naturang lugar, nakumpiska sa kanyang posisyon ang mga last two paraphernalia, mga tally sheet, calculator at pera na 90 pesos. Kahapon ng hapon din ay pormal siyang sinampahan ng kaso sa City Prosecutors office ng paglabag sa RA-9287.Siyay nakapiit parin sa himpilan ng PP2.

Facebook Comments