Cauayan City, Isabela- Naitala ng lalawigan ng Cagayan at Isabela ang higit sa limandaan (500) na aktibong kaso ng COVID-19 batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).
Sa Isabela, umaabot na sa 507 na indibidwal ang tinamaan ng virus matapos madagdagan ng pitumpu’t apat (74 na nagpositibo sa sakit.
Kaugnay nito, 70, 916 ang total cumulative cases; 2, 287 ang naitalang namatay at 68,122 ang total recoveries.
Dahil dito, nananatili na lamang sa lima (5) mula sa 37 bayan ng probinsya ang COVID-19 Free.
Sa Cagayan naman, nasa 504 ang aktibong kaso matapos madagdagan ng animnapu’t pito (67) nagpositibo sa sakit.
Isa naman ang naidagdag na nasawi habang walumpu’t pito naman ang panibagong gumaling.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na ugaliing sumunod sa public health standard atr magpabakuna para magkaroon ng dagdag na proteksyon.
Facebook Comments