Cagayan Board Member Maila Ting-Que, Nilinaw ang Lumabas na Balitang Nagtour sa Malacaňang sa Kasagsagan ng Bagyong Ompong!

Tuguegarao City- Nagbigay ng paliwanag si Cagayan Board Member Maila Ting-Que kaugnay sa lumabas na balitang nagtour umano sila sa Malacaňang sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Sa panayam ng RMN Cauayan sa naturang Board Member ay sinabi nito na malicious at mapang-intriga umano ang naturang balita at batay sa paliwanag nito ay ipinatawag umano sila upang pag-usapan ang mga problema at mga solusyon hinggil sa mga suliranin ng probinsya.

Paliwanag pa nito ay hindi umano ito nangangahulugan na wala silang pakialam sa kanilang probinsya kaya’t pumunta sila doon upang makipag-usap alang-alang sa pagtulong at sa kapakanan ng lalawigan ng Cagayan lalo pa at may kalamidad.


Dagdag pa nito ay hindi lamang umano sila ang ipinatawag sa Malacaňang kundi mayroon pa silang mga kasamang mga mayor at mga representative ng iba pang pinuno mula din sa iba’t ibang bayan.

“Sino ho ba kami para tanggihan ang imbitasyon at sinabing pumunta kayo dito, pag-usapan natin ang problema ng probinsya ninyo, sabihin niyo saamin baka makatulong kami na mabigyan kayo ng solusyon, napakayabang po yata naming para tanggihan yung mga ganong klaseng opportunity na ibinibigay sa amin na iduloh ang mga tulong na hinihingi naming lalo pa na alam naming may padating na kalamidad”-ang bahagi ng pahayag ni board member Maila Ting-Que.

Samantala, sa ngayon ay patuloy parin umano ang ginagawang pagkilos ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan upang mabigyan ng agarang ayuda ang mga mamamayang napinsala ang mga ari-arian at mga kabuhayan sa naturang lalawigan.

Facebook Comments