Target ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro na makapagtala ng isang million indibidwal na mababakunahan laban sa COVID 19 bago ang Pasko.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 748,578 na mga indibidwal o katumbas ng 74.8% ang nakatanggap ng bakuna sa lungsod kung saan kabilang dito ang 623 na bilang ng mga nakatanggap ng booster shot.
Dahil dito, nasa 253,000 na mga kagay-anon ang kakailanganin bago makamit ang 1 million
Ayon kay Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, idadagdag pa lang sa nasabing bilang ang mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Drive.
Tiwala si Moreno na ang pag-abot sa 1 million vaccinated individuals sa lungsod ay makakatulong para makamit ang inaasam na herd immunity.
Facebook Comments