Cagayan Gov. Manuel Mamba, Hiniling sa Ombudsman na Bawiin ang Piyansa ni Dating Senate Pres. Juan Ponce Enrile dahil sa Kasong Plunder!

*CAGAYAN-* Hiniling ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa Office of the Ombudsman na bawiin ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni dating Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa kinakaharap nitong Plunder case.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Gov. Mamba, isa umanong pagsisinungaling at panloloko sa Korte Suprema, Sandigang Bayan at Ombudsman maging sa taongbayan ang ginawa ni Enrile matapos itong maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC para sa posisyong pagka-senador.

Aniya, pinalaya lamang umano siya dahil sinabi umano noon ni Enrile na siya ay mahina na at baka ito ay mamatay sa loob ng kulungan dahil sa katandaan nito.


Hindi na rin umano siya papayag na muling babalik sa pulitika ang mga taong tiwali kaya’t oras na umano upang pigilan at maging mabusisi sa mga taong uupo sa pulitika.

Giit pa ni Mamba na naubos na umano ang kanilang takot kay Enrile dahil sa kanilang nararanasang kahirapan kaya’t nararapat lamang umano na tuldukan na ang panloloko at katiwalian nito sa taongbayan.

Samantala, Hiniling pa ng gobernador na sana’y ibalik na lamang sa kulungan si dating senador Juan Ponce Enrile.

Facebook Comments