ITINALAGA | Lapeña – bagong pinuno ng TESDA

46

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong pinuno ng TESDA si Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ginawa ng Pangulo ang anunsyo sa ika-177 anibersaryo ng Philippine Coast Guard sa maynila sa harap ng kontrobersyang kinahaharap ni Lapeña hinggil sa umano ay nakalusot na billion pesos shabu shipment sa BOC.

Papalit naman bilang bagong pinuno ng BOC si Retired AFP Chief of Staff General Rey “jagger” Guerrero.

Maghahanap pa si Pangulong Duterte ng papalit kay Guerrero sa marina kung saan gusto raw niya ay magreretirong opisyal mula sa Philippine Navy.

Samantala… Pinasisibak na rin ng Pangulo ang lahat ng mga section department head sa customs.

Katwiran niya, kahit gaano kaganda ang x-ray sa boc kung tiwali naman ang mga tao ay wala ring mangyayari.

Facebook Comments