*CAGAYAN- *Kinaiinggitan ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang Isabela dahil sa nangyaring pagbabago sa Lalawigan matapos ang rehimeng Marcos.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Governor Mamba, Kanyang inihalimbawa ang labing isang tulay na nagawa sa ating Lalawigan upang tawirin ang Cagayan River kumpara sa Magapit at Bunton bridge lamang na mayroon ang Cagayan.
Kaugnay nito ay mas nagkaka-konekonekta umano ang mga bayan ng Isabela kaysa sa mga bayan ng Cagayan sanhi ng magandang struktura na naipatayo at nagawa sa Lalawigan ng Isabela.
Bukod pa rito ay dahil sa naging anim na ang dating apat na distrito ng Isabela at aniya’y halos lahat na umano ng sakahan dito sa ating Lalawigan ay irrigated na kumpara sa kanilang Lalawigan na mayroon lamang tatlong distrito.
Dahil dito ay kanya umanong payayabungin ang kanilang dalawang Airport upang mas lalong makatulong sa ekonomiya ng Cagayan di gaya ng pangongontra umano ni dating Senate President Juan Ponce Enrile .
Iginiit pa ng gobernador na kailangan na umanong labanan ang mga taong niloloko ang mismong bayan na isa umanong dahilan sa hindi pag-angat ng isang Lalawigan.