Cagayan Governor Manuel Mamba, Umaapela ng Tulong sa Pamahalaan para sa mga Nasalanta ng Bagyong Ompong!

94

*CAGAYAN- *Bagamat nagpadala ng tulong si Davao City Mayor Sara Duterte maging ang Philippine Airforce ay nananawagan pa rin si Cagayan Governor Manuel Mamba sa ating pamahalaan maging sa mga private sectors upang matulungan ang mga Cagayano na nasalanta ng bagyong Ompong.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Cagayan Governor Manuel Mamba, Malaki umano ang pangangailangan ngayon ng lalawigan ng Cagayan lalo na sa bigas kaya’t nakikiusap ngayon ang gobernador sa ating pamahalaan na makapagbigay ng tulong mula sa NFA.


Aniya, wala umanong stock ng NFA rice ang kanilang probinsya na maaari nilang ipamahagi sa lahat ng mga Cagayano na nasalanta ng bagyo.

Tiniyak naman ng gobernador na maibibigay ang mga tulong sa lahat ng mga indibidwal na nasalanta ng bagyo.

Dagdag pa ng gobernador na lahat umano ng mga Cagayano ay naapektuhan ng bagyo subalit hiniling nito ang kooperasyon at pag-intindi ng bawat isa na unahing tulungan ang mga indibidwal na matinding napinsala ni Ompong.

Facebook Comments

From Advertisers