Cagayan, Muling Nagkampeon sa CaVRAA

Tuguegarao City, Cagayan – Mas lumayo ang naging agwat ng Lalawigan ng Cagayan sa pumapangalawang Nueva Vizcaya sa  pinal na medal tally ng Cagayan Valley Regional Athletic Association(CaVRAA) Meet 2018.

Ito ay matapos umabot sa 47 na gintong medalya ang abante ng Cagayan sa Nueva Vizcaya sa muling pagkakampeon ng nito sa 2018 edition ng CaVRAA.

Sa ibinahaging resulta ng Dep-Ed sa RMN Cauayan News Team ay kapwa pinangunahan ng Division of Cagayan ang Elementary at Secondary Level ng pangrehiyonal na palaro.


Pinagharian naman ng Division of Nueva Vizcaya ang special event ng CavRAA para sa mg mag-aaral na PWD’s sa pamamagitan ng kanilang 25-13-13 gold-silver-bronze medals.

Sa Overall Final Medal Tally ng pinagsamang Elementary at Secondary Level ay pumangalawa ang Nueva Vizcaya samantalang pangatlo hanggang pang-siyam ang Isabela, Tuguegarao City, Ilagan City, Quirino, Santiago City, Lungsod ng Cauayan at Lalawigan ng Batanes.

Ang CaVRAA ay pormal na nagtapos kaninang hapon sa seremonyang ginanap sa Cagayan Sports Complex sa Tuguegarao City, Cagayan.

Facebook Comments