Naka-red alert na ang Office of Civil Defense sa Cagayan Valley.
Dahil ito sa inaasahang pagtama ng Bagyong “Karding” sa Northern Luzon kung saan magla-landfall sa Divilacan, Isabela sa Linggo.
Maaga pa lang ay inilikas na ang mga residente sa mga landslide at flash flood prone areas habang naka-preposition na ang response assets at food packs sa probinsya.
Ngayong tanghali, inaasahan naman na magpapakawala ng tubig na aabot sa 200-cubic-meter-per-second ang Magat Dam bilang paghahanda sa bagyo.
Mahigpit na rin na ipinapatupad ang no sail-no fishing policy at liquor ban sa rehiyon.
Facebook Comments