PBBM, kumain sa mga food truck sa New York City

55

Nagpahinga mula sa kanyang mga tungkulin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kumain sa dalawang Pinoy food truck sa New York City.

Kasamang niyang kumain ng bulalo, pansit, lumpia, at pork barbeque ang kanyang First Lady na Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez gayundin ang mga kasama nitong delegado.

Ang Kabayan Grill at A taste of the Philippines ay kilalang naglalako ng pagkaing Pinoy sa New York.


Nakipagkwentuhan pa ang pangulo są mga Pinoy crew nito bago sinimulan ang kanyang regular meetings.

Ito na ang huling araw ng Pangulong Marcos Jr., sa New York at nakatakda siyang bumalik ng Pilipinas bitbit ang magandang resulta ng pakikipagpulong sa mga potential investors sa Pilipinas.

Facebook Comments