Ang UPER System ng PNP ay nakonsepto para masukat ang performance ng bawat opisina sa pamamagitan ng mga parameters na may kaukulang puntos para malaman kung gaano kahasa ang isang unit o opisina sa pagpasa at paggawa ng mga mandato nito sa kanilang nasasakupan.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan PPO, una nang nakamit ng kapulisan ng Cagayan ang unang rangko sa nasabing rating noong buwan ng Enero taong kasalukuyan.
Nananatili nanaman ang pagiging number 1 ng Cagayan PPO sa ilalim ng pamumuno ng Provincial Director na si PCol. Renell R. Sabaldica.
Bukod dito, nakamit din ang Top 1 sa UPER Regionwide ang pitong opisina ng Cagayan PPO tulad ng Provincial Administrative and Records Management Unit (PARMU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol. Richard Gatan; Provincial Intelligence Unit (PIU) sa pangangasiwa ni PMajor Joefferson Gannaban; Provincial Operation Management Unit (POMU) sa pangunguna ni PMajor Harvey B Pajarillo; Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) sa ilalim ng pangangasiwa naman ng hepe na si PLtCol. Emil Q Pajarillo; Logistics Office sa pangangasiwa ni PLt. Alma Danguilan; PARMU-Finance sa pangunguna naman ni Plt Marjellie Q Gallardo, Budget and Fiscal Officer; at ang Provincial Plans and Programs Unit (PPPU) sa ilalim ng pangangasiwa naman ng kanilang hepe na si PLTCOL Judith Laguitao.
Ayon kay PCol Sabaldica, ang pagiging nasa top ranking ay resulta umano ng kanilang patuloy na pagsasagawa ng maayos at magandang pagsisilbi ng kapulisan sa probinsya ng Cagayan.
Sisikapin naman ng Cagayan Police Provincial Office na panatilihin ang magandang nasimulan nito ngayong taong 2022.