PRC, may Mobile vaccination para sa mga bedridden at hirap umalis ng bahay

Limang araw na maglilibot sa iba’t ibang barangay sa Navotas City ang vaccination bus ng Philippine Red Cross (PRC) simula bukas.

Nilalayon nito na makapagbigay pa ng bakuna kontra COVID-19 sa mga residente lalo na sa mga bedridden at sa mga hirap ng umalis ng bahay.

Maaari ring mag-walk in ang sinumang residente o empleyado sa Navotas na magpapabakuna.


Unang pupuntahan ng PRC vaccination bus ang Bagumbayan North, sunod ang North Bay Blvd. North at Bangkulasi Nuestro Senior sa March 8, NBBS Proper sa March 9, NBBS Dagat-Dagatan sa March 10 at NBBS-Kaunlaran at San Rafael Village sa March 11.

Pinapayuhan ang mga nais magpabakuna na magpalista na sa kanilang barangay o health center.

Facebook Comments