Bahagi ng ginawang kasunduan ang donasyon sa mga nakolektang dugo sa mga bloodletting activity na sinimulan ng Cagayano Cops upang mapunan ang kailangang dugo sa mga pasyente.
Layunin nito na magkaroon ng sapat na dugo ang naturang ospital upang matugunan ang daming bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng dugo sa rehiyon dos at karatig na probinsya.
Bukod pa rito, sakop rin ng mga nakolektang dugo ang mga pamilya o dependent ng mga miyembro ng kapulisan sakaling mangailangan ang mga ito ng suplay ng dugo sa panahon ng operasyon o usaping medikal.
Dinaluhan din ng iba’t-ibang mga ahensya ang bloodletting activity kabilang ang PRO2 personnel; miyembro ng Non-Government agencies, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), KKDAT at iba pang stakeholders.
Kasama rin ang President ng PRO2 Officers’ Ladies Club na si Gng. Leah Sabaldica sa pagpagpapatupad ng proyektong “United for Baby of Eve, Isang-daang Piso para sa Batang may kailangan” (UBE) ang bawat benepisyaryo na may malubhang kalagayan ay binigyan ng tulong pinansyal at bag ng grocery items.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Dr. Glenn Matthew G. Baggao, CVMC Medical Center Chief, kasama si Bb. Sarajane U. Balisi, Head of CVMC Blood bank.