Cagayan, Sasailalim pa rin sa 15-Day MECQ

Cauayan City, Isabela- Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Lalawigan ng Cagayan hanggang ika-15 ng Hulyo sa kanyang regular talk to the people address kagabi, Hunyo 28, 2021.

Tanging ang Cagayan sa rehiyon dos ang nananatili sa MECQ dahil na rin sa mataas na naitalang kaso ng COVID-19.

Ang mga Lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino kabilang ang Santiago City ay sasailalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) mula July 1, 2021 hanggang 31.


Mananatili naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan ng Batanes.

Pero, ito ay ‘subject to LGU appeals’ pa ayon kay IATF Chair at DOH Sec. Francisco Duque III.

Facebook Comments