Cagayan, Sasailalim pa rin sa MECQ Hanggang May 31

17

Cauayan City, Isabela- Pinalawig pa ang MECQ status ng lalawigan ng Cagayan batay na rin sa inilabas na IATF Resolution No. 116-C kahapon, Mayo 22, 2021.

Nakasaad dito na sasailalim pa rin sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong lalawigan ng Cagayan kabilang ang probinsya ng Benguet at Apayao.


Matatandaan na isinailalim ang lalawigan ng Cagayan sa MECQ hanggang ika-23 ng Mayo dahil na rin sa mataas ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang buwan.

Facebook Comments