Handa na ang mga testing room sa bagong building ng unibersidad partikular ang College of Arts and Sciences, College of Public Administration, at College of Information and Computing Sciences na gagamitin ng mga kukuha ng pagsusulit sa pag-aabogasya.
Batay sa facebook post ng CSU Carig, ang mga testing rooms ay may high-end wide-angle CCTV cameras at nagkaroon na rin ng inisyal na briefing ang grupo mula sa Philippine Supreme Court kasama ang PNP at BFP.
Samantala, naglatag na rin ang lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City ng traffic plan para bukas kung saan nakalagay ang Traffic Management Group ng mga barikada papuntang CSU Carig.
Naglagay na rin ng mga karatula sa Regional Government Center na nakatalaga para sa parking space at drop off point.
Isa lamang ang CSU sa mga testing center sa buong Pilipinas na gagamitin para sa bar exams mula Pebrero 4 at Pebrero 6.
Nauna nang nagdeklara ng special non-working day ang LGU bukas dahil sa gagawing bar exam.