MAYORYA NG MGA PASYENTENG NASA INTENSIVE CARE UNIT SA ILOCOS REGION, HINDI PA BAKUNADO

Inihayag ng Department of Health Center for Health Development 1 na mayorya ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nasa intensive care unit ay hindi pa bakunado kontra sa nakakahawang sakit.

Base sa latest COVID-19 data ng DOH-CHD1, 78% ng mga indibidwal na nasa DOH hospitals ay nakitang hindi pa nabibigyan ng COVID-19 Vaccine.

Ang rehiyon ay mayroong higit 12, 000 aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 97.8% nito ang mild o asymptomatic.

Sa datos ng ahensya nasa 3, 105, 000 na ang fully vaccinated o 58% ng populasyon ng Region 1 ang bakunado. | ifmnews

Facebook Comments