Cagayan State University, nagbigay ng donasyong 622 ektaryang agri lands sa mga agrarian reform beneficiaries

Aabot sa 622 hectares ng agricultural lands ang ibinigay na donasyon ng Cagayan State University sa mga magsasaka sa layuning mapataas ang kanilang produksyon at kabuhayan.

Ang mga agricultural lands ay mula sa 549 hectares mula sa CSU Lallo at 73 hectares mula sa CSU Piat na isinailalim sa Deed of Transfer.

Pinangunahan nina Agrarian Reform Secretary John Castriciones at CSU Vice-President Father Ranhilio Aquino ang pagpirma ng Deed of Transfer ng mga institusyon ng gobyerno.


Kabilang sa makikinabang dito ay mga magsasaka mula Isabela at Cagayan.

Sinabi ni Secretary Castriciones, makatatanggap ng support services ang mga benepisaryong magsasaka upang matiyak na magiging produktibo ang paglinang sa naipamahaging lupa.

Alinsunod na rin ito sa Executive Order No. 75 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa mga sangay ng gobyerno na tumukoy ng mga government lands na maaaring gamitin sa pang-agrikulturang aktibidad.

Facebook Comments