Tuguegarao City, Cagayan – Nasa unang puwesto pa rin ang Lalawigan ng Cagayan sa panghuling araw ng CaVRAA 2018.
Ito ay sa pamamagitan ng kanilang kartadang 84-94-89 gold-silver-bronze medal tally ayon sa nakuhang partial unofficial result na ipinaabot ng Dep-Ed sa RMN Cauayan News.
Bagamat may mga ilan pang laro na gagawin ngayong maghapon ay di na matitinag ang muling pangunguna ng Cagayan sa taunang sports competition.
Umangat sa pangalawang puwesto ang Nueva Viscaya sa kanilang 60-55-73 gold-silver-bronze medals samantalang ang Division of Isabela ay nasa pangatlo sa kanilang 56-49-62.
Samantala ang host division na Tuguegarao City ay nasa ika-apat na puesto sa kanilang 40-32-45. Samantalang pang-lima ang host division sa nakalipas na 2016 at 2017 CaVRAA edition na Ilagan City sa kanyang 32-42-27 gold-silver-bronze medal.
Naging pang-anim hanggang pang-siyam naman ang Division of Quirino, Santiago City, Cauayan City at Batanes.
Sa pinakahuling medal tally ng Dep-Ed Secretariat ay kapwa pinaghaharian ng Cagayan ang Elementary at Secondary Level samantalang ang special events para sa mga Person With Disability (PWD’s) ay pinangungunahan ngayon ng Division of Nueva Vizcaya.
Ang Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet ay magtatapos ngayong araw ng Marso 1, 2018.