Ito ang inihayag ni Medical Center Chief Dr. Glenn Matthew Baggao kasabay ng pagtatayo ng karagdagang pasilidad.
Inaasahan namang sisimulan ang pagtatayo ng trauma center sa huling linggo ng Enero habang tinatapos naman ang communicable disease building kung saan ihihiwalay ang mga pasyenteng may taglay ng nakahahawang sakit.
Samantala, patuloy aniya ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 na umakyat na sa 138 kung saan siyamnapu’t pito (97) ay confirmed cases habang 41 ang suspected patients na nasa kanilang pangangalaga.
Sa nasabing bilang, walumpu’t walo (88) ang mula sa probinsiya ng Cagayan kung saan limampu’t lima (55) rito ay mula sa Tuguegarao City at lima (5) ay mula sa bayan ng Peñablanca at sa iba pang mga bayan ng probinsya.
Ayon pa kay Dr. Baggao, mayroong isang (1) kritikal at apat (4) na severe habang 70 ang moderate, 63 mild cases.
Ang 60% ng mga pasyente ay hindi bakunado kontra Covid-19.
Patuloy pa rin ang paghimok sa publiko na ugaliing sundin ang pinaiiral na health protocol.