NCR, nasa “severe outbreak” na ng COVID-19

399

Nasa “severe outbreak” na ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng OCTA Research, pumalo na sa 89.42% ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR na pitong beses na mas mataas kumpara sa 12.71% na naitala noong January 3.

Tumaas din sa 48% ang seven-day positivity rate sa rehiyon.


Pero sabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula 5.65 ay bumaba sa 5.22 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus na nangangahulugan ng bahagyang pagbagal ng trend.

Samantala, sumampa na sa 57% ang healthcare utilization rate mula sa 27% lang noong nakaraang linggo.

Umakyat naman sa 52% ang ICU occupancy habang nasa 57% na ang hospital bed occupancy na maaari pang pumalo sa 70% next week.



Sa kabuuan, sabi ni David, “very high risk” na ang NCR sa COVID-19.

Facebook Comments