Cauayan City, Isabela- Malugod na tinanggap ng National Economic and Development Authority Region 02 (NEDA 2) ang tulong mula sa Caraga para sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyong Ulysses.
Tinatayang aabot sa 565 na relief packs sa ilalim ng “One Caraga Cares for Cagayan” program ng Caraga Caraga Regional Development Council (RDC) ang ipinamahagi sa Lambak ng Cagayan na nagmula pa sa Butuan City at isinakay sa C130 ng Philippine Air Force.
Pinangunahan ni Assistant Regional Director Ferdinand P. Tumaliuan ng NEDA Region 02 (NEDA 02) at Finance and Administrative Division Chief Gerardo L. Catolos ang pagtanggap sa mga nasabing tulong.
Nakipagtulungan din ang the Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Philippine National Police (PNP) maging ang Aviation Security Group ng kapulisan sa pagbaba ng mga relief goods sa Tuguegarao City Airport.
Ang mga tulong mula sa CARAGA ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Office of the Civil Defense (OCD) at anumang araw ay ipapamahagi na ito sa mga apektadong pamilya.