Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng karagdagang dalawampu’t pitong (27) Delta Variant Cases ang lambak ng Cagayan.
Ito ay matapos maglabas ng datos ang Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).
Batay sa report, nakapagtala ng tig-isang kaso ang mga bayan ng Alcala, Allacapan, Baggao at Tuao sa lalawigan ng Cagayan.
Gayundin, nakapagtala ng limang (5) kaso ang bayan ng Cabarroguis at tatlo (3) ang bayan ng Diffun sa lalawigan ng Quirino.
Habang mayroon ding naitala ang lalawigan ng Isabela kung saan umabot sa kabuuang labing-lima (15) na kinabibilangan ng tatlong kaso sa Santiago City, tig-dalawa naman sa mga bayan ng Cabagan at Ramon samantalang tig-isa naman sa lungsod ng Cauayan, Alicia, Echague, Jones, Quezon, San Agustin, San Guillermo at San Isidro.
Pawang mga local cases na ngayon ay gumaling na sa sakit maliban sa naitalang kaso sa San Isidro at isa sa Santiago City na nasawi.
Patuloy naman ang ginagawang case investigation at contact tracing activities ng mga tauhan ng Special Action Team (SAT) ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa tulong ng Rural Health Units at Local Government Units.