Cagayan, Wagi sa Regional Tokhang Responders Sports Disaster Olympics!

Cauayan City, Isabela- Nakuha ng mga partisipante ng Cagayan ang Kampeonato sa kauna-unahang Regional Tokhang Responders Sports Disasters Competition na isinagawa sa grandstand ng PR02 sa Tuguegarao City, Cagayan.

Personal na iniabot ni P/BGen.Angelito Casimiro, Regional Director ng Police Regional Office 02 ang cash prize na P20,000 at plake sa mga nagwaging Tokhang Responders ng Cagayan.

Nakuha naman ng Quirino Tokhang Responders ang unang pwesto na may cash prize na P15,000, pangalawa ang Isabela na nakatanggap din ng P10,000, pangatlo ang Nueva Vizcaya, at pang-apat ang Santiago City Police Office (SCPO) na binigyan din ng tig-Php.5,000 na may kasama rin plake.


Sa naturang kompetisyon ay ipinakita ng mga kalahok ang kanilang galing at bilis sa pagresponde sa anumang kalamidad gaya ng pagsagip sa nalulunod, rope course/ knot tying, basic patient/victim assessment, first aid management, obstacle course, fire fighting at ilan pang rescue and retrieval operations.

Ang mga lumahok na tokhang responders ay magiging katuwang bilang volunteer ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Facebook Comments