Niyanig ng magnitude 5.7 na lindolang Cagwait, Surigao del Sur kaninang alas-8:34 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa hilagang silangan ng Cagwait, Surigao del Sur.
Paliwanag pa ng PAGASA, may lalim ang lindol na 10 kilometro at tectonic ang origin nito.
Naiulat na Intensity IV sa Bayabas, Surigao del Sur.
Instrumental Intensity:
Intensity II – City of Tandag, Surigao del Sur
Intensity I – City of Bislig, Surigao del Sur; City of Cabadbaran, Agusan del Norte
Ipinaliwanag naman ng PHIVOLCS na ang magnitude 5.7 na lindol ay aftershocks ng magnitude 6.8 na lindol na naramdaman sa Cagwait, Surigao del Sur kahapon ng madaling araw.
Sa pinakahuling tala ng PHIVOLCS, aabot na sa 519 ang aftershocks.
Nasa 188 ang plotted habang dalawa ang naramdaman kung saan naglalaro sa magnitude 1.8 hanggang 5.7 ang naramdaman mula sa malakas na lindol.