Cainta Mayor Keith Nieto, humihirit ng isang Malasakit Center kay Senator Bong Go

72

Umaapela si Cainta Mayor Keith Nieto kay Senador Bong Go upang mapalawak ang pagkakaloob ng ayuda sa mga residente sa kanyang bayan at gayundin ang pasyenteng dinadala sa ospital na kanyang nasasakupan.

Ayon sa alkalde, nanawagan siya kay Senator Go na maglagay ng isang Malasakit Center sa kanyang bayan na maglilingkod sa mga pangangailangan ng mga may sakit.


Naniniwala si Nieto na sa sandaling magkaroon ng Malasakit Center sa kanyang nasasakupan ay malaking kaluwagan sa mga pasyente lalo pa at hindi na sila mahihirapan sa paglalakad ng mga dokumento dahil nasa isang pasilidad na lamang ipu-pruseso ang mga dokumento gaya ng PCSO, Philhealth, PAGCOR, DSWD at iba pa.

Ayon kay Nieto, kinukulang ang kanilang pasilidad sa dami ng mga pasyenteng kailangang mabigyan ng sàpat na Medical attention.

Paliwanag ni Nieto na hindi lamang mga taga-Cainta kundi maging ang mga pasyente sa mga kalapit na bayan ay binibigyan ng maayos at libreng medical attention sa ospital ng Cainta.

Marami aniyang pasyente na taga-ibang bayan na pag dinala sa ospital ng Cainta ay hindi na hinahanapan ng anumang ID na magpapatunay na residente siya ng Cainta.

Kapag ipinasok na aniya sa kanilang ospital ang isang pasyente ay hindi na paaalisin kung mayroon mang kakulangan sa mga rekisito dahil katwiran ng alkalde kaya dinadala sa ospital ang pasyente ay kailangan niyang masuri at magamot.

Facebook Comments