Lalaking tulak umano ng droga sa Taguig City, arestado

40
Handcuffs

Hindi na pumalag pa ang isang lalaking naaktuhan na nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa isang police asset matapos ikasa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Maligaya Street Extension Brgy. Napindan, Taguig City pasado alas-2:30 kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Jumar Canatbat Castriciones, alyas Andrew, 44-anyos at residente ng nasabing lugar.


Nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang limang gramo ng shabu na may katumbas na halaga na ₱34,000.00.

Maliban dito, na-rekober din ng mga pulis ang ₱200.00 na ginamit bilang buy-bust money at isang cellphone na hinihinalang ginagamit sa pakikipag-transaksyon ng suspek sa kanyang mga parokyano.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Custodial Male Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments