Cainta Mayor Kit Nieto, nag-Flag Ceremony kanina kahit walang audience

Itinuloy parin ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto ang flag ceremony kanina  kahit walang mga nanonood na mga empleyado, kung saan nagpasalamat ang alkalde sa mga Volunteers at mga grupo at individuals na tumutulong sa Cainta LGU  na nangangailangan ng ayuda dahil sa ipinatutupad na Enhance Community Quarantine (ECQ).

Sa kaniyang Facebook Post araw-araw ang pagdating ng tulong na mga pagkain, kahon-kahong mga delata at mga cash para sa mga residente ng  Cainta Rizal na nangangailan ng tulong ngayong  panahon ng krisis dulot ng COVID-19 Pandemic.

Paliwanag ng Alkalde na gumawa narin siya ng paraan para mabigyan din ang mga hindi napasama sa DSWD Social Amelioration Program (SAP), kung saan ay ibenebenta niya ang mga mamahaling sapatos sa pamamagitan ng Social Media at ang kinita ng subasta na sapatos ay nabibigyan ng alkalde ng tig Php 2,000 at inihahatid pa sa kanilang mga bahay ang mga ayuda ng Cainta Rizal Government.


Facebook Comments