Nag-alok ang Cainta Rizal Government ng trabaho para sa lahat ng kanilang mga residenteng nawalan ng hanapbuhay bunsod ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Cainta Mayor Keith Nieto, marami sa kanilang residente ang nawala ng trabaho dahil nagsara ang karamihan ng mga kumpanya dahil sa lockdown kaya naisipan nilang magkaroon ng emergency jobs upang mabigyan ng trabaho ang mga walang hanapbuhay.
Kabilang na rito ang mga bakanteng posisyon sa gagawing proyekto ng bayan, mga proyekto ng paglilinis ng daluyan ng tubig sa ilog, declogging ng mga canal, paglilinis ng mga kalsada, pagkumpuni ng One Cainta College Building, pagpipintura ng bubong ng One Cainta Auditorium at marami pang iba.
Kasabay nito, hinikayat ng alkalde ang mga residente ng Cainta, Rizal na walang trabaho na makipag-ugnayan sa kaniyang tanggapan para sa emergency jobs.