Cainta Rizal Government, nakapagtala na ng 40 kaso ng positibo sa COVID-19 at 6 ang naitalang patay

Nagpaalala si Cainta Rizal Mayor Kit Nieto sa lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal na manatiling sa bahay lamang upang huwag ng madagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Nieto, umakyat na sa 40 kaso ng nagpositibo sa COVID-19 kabilang diyan ang barangay ng Barangay San Isidro na nakapagtala ng 13 kaso ng COVID-19; Barangay San Domingo na pistong kaso ng COVID-19; Barangay San Andres na 10 kaso; San Juan 9 na kaso; at Barangay San  Roque na nakapagtala lamang ng isang kaso ng COVID-19.

Nalulungkot ang alkalde dahil anim na ang namatay sa COVID-19 sa kanyang mga nasasakupan habang isa lamang ang nakarekober,139 ang PUI, 257 ang PUM at 80 ang naka-home quarantine.


Paliwanag ni Mayor Nieto, patuloy ang kanilang ginagawang misting operation sa Green Land Phase 2, Doña Calixto Subdivision at lahat ng public markets upang matiyak na hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo ng COVID-19 sa Cainta, Rizal.

Facebook Comments